Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang mainstream gender and development (GAD) sa mga kampo ng kasundaluhan sa pagtutulungan ng Philippine Commission on Women (PCW) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa ginanap na virtual signing ceremony nitong Setyembre 14, ang AFP at PCW ay nagkasundo sa pasusulong ng gender sensitivity, at sa pagpapalago ng gender-responsive policies sa kampo ng mga militar.

Layon ng partnership na gawing handa ang AFP kabilang ang Philippine Army (PA), ang Philippine Navy, at ang Philippine Air Force pagdating sa implementasyon, programa at polisiya ukol sa gender and development.

Sa kasunduan, magtutulungan ang PCW at ang AFP sa malawakang GAD agenda ng AFP.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Integrating gender perspective in security plans and operations will help ensure a genuine human security approach that will consider the differing needs of all genders across all spectrum and will put primacy to the most vulnerable groups, including women and girls,”pahayag ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia.

“When all genders are included in the decision-making process and formulation of policies and programs, we can expect increased efficiency and better results that can be genuinely felt by the concerned groups,”dagdag nito.

Pinunto rin ni De Guia ang nararanasang pandemya, na sa pamamagitan ng inisyatiba, mas maisusulong ang sensitibong pagtugon sa mga suliranin ng mga kababaihan sa security sector at sa mga komunidad kung saan nagsisilbi ang AFP.

“Considering the vulnerabilities of women due to gender-based discrimination, violence, and abuses compounded in these fragile times, the Commission appreciates continuing efforts that aim for greater protection for them,” sabi ni De Guia.

Umaasa ang CHR na bababa ang gender-based violations at magreresulta sa mas maayos na sitwasyon ng mga kababaihan sa mga kampo ng militar at mga komunidad na pinagsisilbihan nitong komunidad kasunod ng partnership.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si PCW Executive Director Kristine Rosary E. Yuson-Chavessa AFP sa interes nitong maisaayos ang mga hakbang sa GAD upang maisulong ang pantay na pagtrato sa mga kababaihan at pagpapalakas sa hanay nila.

Jel Santos

CHR, nagpahayag ng suporta sa AFP-PCW partnership kaugnay ng GAD sa mga komunidad ng militar