Kasunod ng paggunita sa ika-49 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos nitong Martes, Setyembre 21, isang komento ang natanggap ng isang sikat na nobelista na si Lualhati Bautista.

“I guess Lualhati Bautista is ignorant that day when s/he wrote that stupid book and this is not ad hominem, it’s a fact,” diretsang komento ng isang netizens.

Si Bautista ang nasa likod ng bantog na mga nobelang “Dekada 70,” at “Desaparesidos” na sumasalamin sa ilang kuwento ng opresyon noong panahon ng martial law.

“S/he should have wrote that it is not the martial law, it is the presidential system that has been torturing our Filipino people for a very long period of time,” dagdag ng nagkomentong tinakpan ang pangalan ni Bautista.

Metro

Comelec, nanawagang huwag gamitin Traslacion sa kampanya sa politika

Sa official Guinness World Record noong 1986, tinawag na “greatest robbery of a government” ang pangangamkam ng dating Pangulong Marcos ng $5 billion hanggang $10 billion sa kaban ng bayan. Binanggit din sa rekord ang pagkakasangkot ni dating First Lady Imelda Marcos.

Binahagi ng batikang manunulat ang screenshot ng komento sa kanyang Facebook account nitong gabi ng Martes.

“Diyos ko, masyado naman akong na-torture sa kamangmangan nito. Nag-ingles pa!” saad ni Lualhati.

Ilan pa sa mga dekalibreng nobela ni Bautista ang Gapo (1980) at Bata, Bata, Paano ka Ginawa (1984) na nagkamit ng kabi-kabilang parangal kabilang na angDon Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.