Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga artworks ng artist na si Allan Cruz, 39, mula sa Sto. Tomas, Batangas, dahil halos makatotohanan na ang mga ito, at maihahambing na sa isang litrato o tunay na larawan.

Bukod sa pag-komisyon upang kumita, ginawan din niya ng paintings ang mga sikat na local and international celebrities gaya nina Kathryn Bernardo, Leonardo Di Caprio, Taylor Swift, at marami pang iba. Maging ang kaniyang sarili ay nagawan na rin niya ng portrait para sa kaniyang kaarawan. Madalas umano ay colored pencil lamang ang gamit niya, subalit nagsimula siya sa watercolor at crayons.

image.png
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

image.png
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

image.png
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

"Simula pagkabata nagpipinta na ako. Nagsimula ako sa mumurahing watercolor at crayons. Kung ano-ano lang ginuguhit ko. Though, professionally nasa 6 yrs na. Realism po ang tawag sa mga ginagawa ko ngayon," aniya sa panayam ng Balita Online.

"Gumugugol siguro ako ng 1 week or more to finish an artwork. Depende din kasi sa difficulty at mood ko," dagdag pa niya.

Sa dami umano ng artwork na nagawa niya, may isa umano siyang hinding-hindi malilimutan.

"Actually, may dalawang artworks na memorable sa akin. Una ay portrait ng kaibigan kong pumanaw. Medyo nanghihinayang ako dahil kung kaylan wala na sya saka ko pa naiguhit. Pangalawa ay yun isa kong client na nagpa-commission sa akin. Pinaguhit nya kapatid nya suotan ko daw ng toga. Then nalaman ko na lang na pumanaw na rin pala yung iguguhit ko at pangarap pala nyang makagraduate. Sobrang naapektuhan ako that time. Dama ko yung sakit ng mga naiwan," paliwanag niya.

May be an image of 2 people
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

May be an illustration of 1 person
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

May be art of 1 person
Larawan mula sa FB/Allan Cruz

May mensahe naman siya sa mga aspiring artists.

"Message ko sa mga aspiring artists na gaya ko is sundin nyo kung anong nasa puso nyo. Iguhit nyo kung anong makakapagpasaya sa inyo. Magiging matatag dahil kung may mga natutuwa sa tinatahak natin syempre meron din hindi masaya. Magpatuloy lang tayo. May mga oras na mawawalan tayo ng gana.. Magpahinga kung kinakailangan pero huwag susuko."