Handa umano ma-unfriend o ma-unfollow ang aktor na si Alex Diaz ng mga taong mapanghusga sa mga political stand ng kanilang kapwa.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post nitong Setembre 22, 2021 ang isang infographic mula sa Facebook page na 'Assortage' na nagtatampok sa isa sa mga 'Martial Law Myths'; na kapag ang isang tao ay hindi pro-Marcos, awtomatikong 'Dilawan' ito.

Giit ng aktor, hindi naman ibig sabihin na hindi pumapanig sa kanan ay makakaliwa na. Hindi rin siya panig sa mga Dilawan. Bawat isang panig umano ay may positibo at negatibo. Kayang-kaya umano niyang kondenahin bilang isang mamamayang Pilipino kung anumang bagay na sa palagay niya ay mali, sa magkabilang panig.

"Feel free to unfollow me right now kung ganito pa rin ang argumento n'yo. Hindi kawalan sa akin. It has never been about being dilawan if I am anti-Marcos. It has been about valuing complete transparency and Filipino lives. I can condemn the injustices committed by both parties AND demand for a better government," aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May be a closeup of 1 person and indoor
Alex Diaz (Larawan mula sa FB)

No photo description available.
Alex Diaz (Larawan mula sa FB)

"It is our right to demand The ABSOLUTE best from our public servants. That means no corruption, no loss of human life AND progress. Bakit kayo papayag sa Marcos when we’ve seen this in history. Kung hindi din kayo sang-ayon sa 'Dilaw', that's fine too."

"Do your research on the rest of the candidates. Progress does not have to cost the lives of Filipino people. Dissent should not mean death or danger. Our governments should prioritize us first, not their dynasties and friends."

Si Alex Diaz o James Alexander Diaz McDermott ay isang Scottish/Filipino triple threat actor, recording artist at producer.

Nagsimula ang kaniyang showbiz career noong 2012 bilang isang rookie radio jock sa Monster Radio RX 93.1 Noong 2013, napabilang siya sa Star Magic Circle 2013 kasabayan nina Julia Barretto, Khalil Ramos, at Liza Soberano.

Napasama siya sa iba't ibang proyekto sa TV at pelikula gaya ng 'Got To Believe (2013)', 'Bagito (2015)', 'She's Dating The Gangster (2014)', 'Dagsin (2016)', 'Just The Way Your Are (2015)', at appearance sa mga episodes ng 'Wansapanataym (2016)' at marami pang iba.

May be an image of 1 person and indoor
Alex Diaz (Larawan mula sa FB)

May be an image of 1 person, standing and indoor
Alex Diaz (Larawan mula sa FB)

May be an image of 1 person and body of water
Alex Diaz (Larawan mula sa FB)

Noong 2019, umamin si Diaz na isa siyang bisexual, matapos ang kontrobersyal na pamamahiya sa social media ng fitness coach na si Miguel Changco.

Richard de Leon