Magandang balita dahil magsisimula na sa mga susunod na araw ang distribusyon ng P500 monthly allowance ng senior citizens sa Maynila para sa ikatlong bahagi ng taong kasalukuyan.

Inanunsyo nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang magandang balita matapos pirmahan ng alkalde ang paglalabas ng nasabing budgetpara dito, na inaprubahan naman ng Manila City Council sa pangunguna ni Lacuna bilang presiding officer.

Ayon kay Moreno, naglaan sila ng mahigit P87.9 milyon para sa mga senior citizens mula District 1, para sa kanilang P500 monthly allowances sa mga buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre o kabuuang P1,500 bawat isa.

“Umasa po kayo na patuloy namin kayong lilingunin at bibilisan pa namin ang aming pagkilos upang tugunan ang lahat ng inyong pangangailangan ngayong panahon ng pandemya,” pahayag pa ng alkalde.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inatasan rin ni Moreno ang tanggapan ngOffice of Senior Citizens’ Affairs sa pamumuno ni Marjun Isidro na ipatupad na ang pamamahagi ng nasabing allowance sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Isidro, may 39,582 senior citizens sa District 1 na makikinabang sa nasabing itinakdang halaga na bahagi ng social amelioration program ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Samantala. nagpahayag naman ng kasiyahan si Moreno sa pagkakapili bilang isa sa mga finalist para sa 2021 “Galing Pook Awards”. Ito ay dahil sa pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pandemya.

Napili ang Maynila dahil sa "innovative and inclusive COVID-19 response" at dahil dito ay kapwa pinasalamatan nina Moreno at Lacuna ang kanilang kapwa manggagawa sa City Hall dahil sa ipinapakitang suporta at dedikasyon ng mga ito.

Sinabi ng dalawa na kung wala ang suporta ng kanilang mga kasamahan sa pamahalaang lungsod, ang lahat ng mga paraan at hakbang na ginagawa upang matugunan ang mga problemang dala ng pandemya ay mababalewala.

Ang pangunahing standards o panuntunan sa pagpili ng mga tatanggap ng karangalan ay ang mahuhusay na nagawa nglocal government units sa kanilang pagtugon sa pandemya.

Sa isang statement,sinabi ni datingInterior Secretary and Galing Pook Foundation chairperson Mel Senen Sarmiento na ang parangal ay kikilala sa mga serbisyo ng LGUs at kanilang nasasakupan na labis na pinahihirapan ng pandemya.

Angawarding ceremony ay gagawin sa Octoberna siya ring ika-30 taon ng pagpapatupad ng Local Government Code.

Mary Ann Santiago