Maingay ngayon sa social media sites na Tiktok at Facebook ang tagpi-tagping komentaryo mula sa isang pageant commentary Youtube channel kung saan tila inokray ang isa sa fronrunners ngayong taon sa Miss Universe Philippines na si Steffi Rose Aberasturi.

Sa kumakalat na isang minutong video, makikita ang tila pang-ookray ng tatlong hosts at pageant critics sa isang pageant online exchange kay Steffi na agad namang ikinagalit at ikinadismaya ng ilang fans ng Cebu Province bet.

Ngunit taliwas nito, ang nasabing video ay pinagtagpi-tagpi na lang pala sa higit tatlong oras na commentary sa Youtube channel ni Bessie Besana sa programang “Ashtie Nights Special Episode: MUPh2021 The Final Stretch” noong Setyembre 19.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Panuorin: “Ashtie Nights Special Episode: MUPh2021 The Final Stretch”

Pinag-usapan ng hosts na sina Bessie, Candy, Moks, Nigel at Miguel ang ilang paksa kasama na ang ilang paghahanda at mga pagbabago sa kompetisyon ng MUP ngayong taon, ang “potential spoilers” at ang Top 7 frontrunners na maaaring makasungkit sa prestihiyosong korona.

Napabilang sa Top 7 at potential winner ang si Steffi Rose Aberasturi na walang duda umanong ilalaban ang Pilipinas kung sakaling maipadalang delagada sa Miss Universe.

Samantala, parte rin ng programa ang pagbabahagi ng hosts ng ilan pang kailangang bantayan ng mga delegada, mga dapat baguhin at ipakita para siguradong masungkit ang coveted crown.

“Just to set the stage to the audience and our community, hindi namin to ni-rank, ginawa na namin to from the previous episodes. We came up with the hot picks list, this is more like a deep dive on each of the girl that we feel are really crown contenders,” pagsisimula ni Moks sa kanilang hot picks sa bandang 1:35:00 ng commentary.

Ikatlong napasama si Steffi sa listahan ng Top 7 ng grupo kung saan sumang-ayon ang lahat sa ganda nitong hindi bibiguin ang Pilipinas sa international scene.

“Steffi is the most talked-about contestant, is the most popular of all the girls, the most hyped for very good reasons. Pasabog here and there… which tells me that this girl is prepared,” pagbabahagi ng host na si Nigel.

Tanging isyu lang ng host ang tila pare-parehong dimensyon sa mga larawang nilalabas ng kandidata sa social media.

“Physical no issues. My issue with her is I find her too OA [over acting] at times when she speaks. OA ‘yong smile. Hindi na natural. I wanna see the natural Steffi. Parang she’s always performing all of the time and we know guys that we don’t like someone who performs all of the time. Authenticity is something that MU looks for. Pero in terms of everything else, wala na siyang comment,” sunod na komento ng host na si Candy.

Sunod na nagkomento ang isa pang host na si Bessie at sinabing, “I actually really like Steffi. She is ready. Kung next month na Miss Universe, keri lalaban talaga si girl.”

Nagpahayag lang ng ilang kritikal na komento ang mga ito tungkol sa ilang materials ng kandidata kabilang ang mga pasabog ng kandidata na para sa host ay hindi naman kailangan.

“Parang trying hard. I’m sure it’s not Steffi. It might be the people that might have worked for the for that specific shoot,” komento ni Bessie sa isang glam shoot ni Steffi.

“On her own merit, malakas na siya,” dagdag ng host.

Para rin sa isang host ng programa, hindi na kailangan ng maraming pasabog ni Steffi para umangat at masungkit ang korona.

“Kalma lang. You don’t have to try so hard, kasi maganda ka na eh,” sabi nito.

“I like that entrepreneurship, rather than i-brand mo sarili mo as Queendara,” dagdag nito sa adbokasiya ng kandidata.

Naniniwala ang host na hindi na kailangan ipangalandakan na magaling si Steffi dahil kaya nitong patunayan ang sarili niya.

"I’ve been seeing from her fans na Latina slayer, Latina slayer, pero may natalo na ba siyang Latina? The key word is kalma lang. She can do it on her own. Di na natin siya kailangan i-hype,” paglalahad ni Moks.

Sunod na nagbigay ng komento ang host na si Miguel kung saan nagkasundo ang lahat na dapat may balanse sa “gigil” at paglalabas pa rin ng “endearing” na personalidad ni Steffi.

“I actually how she really speaks,” paglalahad ni Miguel habang binabahagi ang panayam ni Steffi kay si MJ Lasrimosa at napansin nito ang Cebuana accent sa punto ng pananalita ng kandidata.

“Pero ‘yon nga, having said all that, I think kung siya ang manalo, she will deserve it and ‘di tayo kakabahan sa miss universe… key word [talaga is] kalma lang, to her and to her fans.”

Ilang fans ang dismayado matapos mapanuod ang pinagtagpi-tagping clips na sana’y constructive para sa journey ng Cebu delegate.

Samantala, napag-usapan din ng grupo ang ilang pang kandidata na para sa kanila’y spoilers ng kompetisyon kabilang na si Kirstelle Danielle Delavin ng Masbate, Izabella Jasmine Umali ng Maynila atRousanne Marie Bernosng San Juan City.

Kabilang din sa Top 7 crown contenders ang pambato ng Aklan na si Cristelle Abello, pambato ng Pangasinan na si Maureen Christa Wroblewitz, kandidata ng Laguna na si Leren Bautista, kandidata ng Taguig na si Katrina Dimaranan, delagada ng Cebu City na si Beatrice Gomez at delagada ng Cavite na siVictoria Velazquez Vincent.

Nauna nang inanunsyo ng MUP organization na nagkaroon ng adjustments sa ilang pre-pageant activities.

Larawan mula MUP via Facebook

Hindi pa rin malinaw kung kailan at saan gaganapin ang coronation night kasunod ng ilang paghihigpit sa health protocols sa Metro Manila.