Ngayong araw, Setyembre 21, 2021 ang ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law sa Pilipinas, kasabay din nito ang pagtrend ng #NeverAgain, #NeverForget, Marcos, at Martial Law sa Twitter.
As of this writing, ang #NeverAgain ay mayroong 20k tweets; ang #NeverForget ay mayroong 16.9k tweets; ang Martial Law naman ay mayroong 21.8k; at habang ang Marcos naman ay 61k tweets.




Ang mga trending na ito ay patungkol sa anibersaryo ng Martial Law na may mga Pilipinong nagtutweet ng kanilang mga saloobin sa naganap na Martial Law o maging sa kasaysayang ng Pilipinas na ayaw umano na nilang maulit pa.
Matatandaang noong Setyembre 21, 1972 nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law sa buong Pilipinas.