Kasunod ng anunsyo kaugnay ng implementasyon sa limited face-to-face classes sa 120 eskwelahan, nilinaw ng Department of Education (DepEd) na “voluntary basis” ang magiging sistema rito.

Sa pahayag ng DepEd, kailangan makalikom ng suporta mula sa mga magulang ang mga eskwelahang sasabak sa mga pisikal na klase.

“Face-to-face classes shall be conducted half-day every other week, with participating schools ensuring that class schedules are arranged equitably so that all qualified learners have the opportunity to attend face-to-face classes,”saad ng DepEd.

Inihanda ng DOH at DepEd sa suporta ng World Health Organization, United Nations Children’s Fund (UNICEF) at ilan pang organisasyong eksperto sa kalusugan ng mga bata ang operational guidelines na magbibigay ng “health and safety standards.”

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Kalakip sa pamantayan ang ilang hakbang bago ang mismong pagbubukas sa mga paaralan.

“As we made a step towards Ligtas na Balik Eskwela [safe return to schools], we encourage our stakeholders to continue the ‘bayanihan’ for the success of this endeavor and the safety of our teachers and learners,”dagdag ng kagawaran.

Merlina Hernando-Malipot