Nilinaw ng opposition coalition 1Sambayan na sinusuri pa nila ang kanilang “pambato” pagka-Pangulo sa darating na #Halalan2022 sa pagsasagawa ng “Pulso ng 1Sambayan,” isang internal survey sa mga miyembro ng kowalisyon para matukoy kung sino ang opisyal na susuportahan.

“We in 1SAMBAYAN are united in our call for better leaders and healing for our country and our future, as we aim to put an end to the Duterte regime or any of its extensions,” sabi ng grupo sa isang unity statement nitong Martes, Setyembre 2021.

Sa parehong pahayag, sinabi ng 1Sambayan na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga nominadong indibidwal habang isinasagawa ang survey. Iaanunsyo umano ng grupo ang kanilang pambato sa susunod na mga araw.

Mula Setyembre 12, magtatapos ang Pulso sa Setyembre 25, ayon sa pahayag ng kowalisyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kalakip sa survey ang mga tanong ukol sa ilang suliranin na nais ihapag ng mga miyembro sa kandidatong magiging pambato ng kowalisyon. Ang resulta ng survey ay isa lang sa mga datos na pinagbabatayan ng 1Sambayan sa pagpili ng kanilang kandidato.

“We cannot stress enough how important the 2022 elections are for our country. It is a make-or-break for our democracy; it is a vote for our survival,”sabi ng grupo.

Ilan sa mga prominenteng personalidad na posibleng kandidato ng kowalisyon sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Roy Mabasa