Binalikan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Duterte nitong Martes, Setyembre 21, at sinabing hindi siya umano natatakot sa pagtatangka ng punong ehekutibo na sirain siya sa pag-iimbestiga ng Senate blue ribbon committee tungkol umano sa anomalya ng pagkuha ng gobyerno ng overpriced COVID-19 pandemic supplies.

“Mr. President, you are boring. Di ako natatakot, di ako duwag. Do your worst, Mr. President, as you did with the ABS-CBN. Do your worst as you did to a senator who was elected by the people. I know you are trying to do your worst,” sabi ni Gordon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate panel sa kontrobersya.

“I’m not going to waste my time on you because you are no longer respectable as far as I am concerned, and as far as the people are concerned. Halatang-halata na namemersonal na lang kayo," paglalahad pa niya.

Samantala, binanatan din ni Gordon ang pangulo dahil sa pagiging "abogado" umano nito sa mga Chinese national at negosyante.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang nanindigan si Duterte na protektahan umano si Michael Yang, ang kanyang dating economic adviser, na iniimbestigahan ng mga senador dahil sa kanyang pagkakasangkot sa pakikitungo ng Department of Budget and Management’s Procurement Service (DBM-PS)  sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

“Again, Atty. Duterte is lawyering for his people–the Chinese. Start lawyering for the Filipino people. Instead of reporting to the people (about the pandemic), he spent the time of this government, the national television to lambast the Senate. Do your job!”

Ayon kay Gordon, dindeprive ng pangulo ang mga mamamayang Pilipino ng tamang medical care, marami na ang namamatay na Pilipino dahil sa COVID-19 at abala raw si Duterte sa pamumulitika.

“You have deprived the Filipino people, Mr. President. Sunod-sunod ang namamatay pero abala ka sa pamumulitika. Bakit niyo inaaway ang mga taong ginagawa lang ang trabaho? Ayaw niyo ng korapsyon, hindi po ba?," pagdidiin ni Gordon.

“Mr. President, we have deprived the Filipino people proper access to hospitalization, ang dami-dami pong nagkasakit. Nahihirapan po sila maghanap ng hospital. Hinahanapan ko sila ng remdesivir. Bakit niyo ako inaaway? Ginagawa ko po ang aking tungkulin at ng Blue Ribbon Committee," paglalahad niya.

“Hindi ako takot, Mr. President. You're a bully. The Filipino people can fight back against bullies,” pagdidiin pa niya.

Hannah Torregoza