Inaresto ng Senado nitong Martes, Setyembre 21 si Linconn Ong, ang direktor sa kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation na nag-uwi ng bilyon-halagang kontrata kaugnay ng COVID-19 medical supplies ng bansa.

Nasa kustodiya ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) si Ong, na-i-log in ito bandang alas tres ng hapon.

Inaresto ng OSAA security officers si Ong sa kanyang tahanan habang dumadalo sa isang hybrid public hearing ng Senate Blue Ribbon committee na pinangungunahan ni Senator Richard Gordon.

Ang pagpupulong ay ukol sa umano'y “overpriced” na kontrata na nai-award sa Pharmally ng Procurement Service Department of Budget and Management (PS-DBM) na nagkakahalaga ng higit P10 bilyon.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang kontrata ng Pharmally-PS DBM ay isang “premeditated plunder.”

Inisyal na naka-house arrest si Ong nang magpositibo ito sa COVID-19.

Nitong Martes, naaresto si Ong matapos ideklarang negatibo na sa naturang sakit.

Nag-anunsyo naman ng isang oras pang pagpapalawig ng committee hearing si Senate President Vicente Sotto III bago ang plenary session habang hinihintay ang pagdating ng OSAA kasama si Ong.

Nakaraang linggo nang surpresahin ni Gordon ang kanyang mga kasamang senador matapos madiskubreng ilang luxury cars ang nasa pagmamay-ari ni Ong at ng dalawang iba pang opsiyal ng Pharmally.

Dalawang Porsche cars at isang Lexus ang record ng mamahaling sasakyan ni Ong sa Land Transportation Office (LTO).

Mario Casayuran