Bumaba ng hanggang 6 percent ang daily average number ng bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa nitong nakalipas na linggo, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Martes, Setyembre 21.

Mula sa 20,690, bumaba hanggang 19,407 ang seven-day average ng bagong kaso ng virus.

Batay naman sa 16,361 na dagdag COVID-19 cases ngayong Martes, sinabi ni David na bumaba rin ang reproduction number ng bansa mula 1.26 hanggang 1.09 nakaraang linggo.

Umaasa ang OCTA na maaabot ang mas mababang 1 na reproduction number sa bansa upang makita ang pagbaba ng aktuwal na kasong naiuulat sa isang araw.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Samantala, nasa 221 naman ang average ng mga nasasawi sa sakit nitong nakaraang linggo.

“We need the downtrend to continue so let’s keep up the hard work and prayers,” sabi ng eksperto.

Sa briefing ng Palasyo nitong Martes, binanggit ni OCTA Research  fellow and molecular biologist-priest Nicanor Austriaco ang surge nitong buwan ng Agosto hanggang ngayon ang pinakamatagal na surge na naitala sa bansa.

Sa obserbasyon ng OCTA, naabot na ng surge ang peak nito.

“We are seeing a downturn in the numbers. If you look at the Our World in Data, it’s clear that the surge in the Philippines has peaked. For the last three days, we had negative growth rates in the NCR [National Capital Region] suggesting that the NCR also has peaked,” sabi ni Austriaco.”

“But all of these are always reversible and we have to be very careful as we move into the granular lockdown mode that we do not reverse the gains we have made in the last few weeks,” dagdag niya.

Ellalyn De Vera-Ruiz