Umapela si House Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Duterte na bawiin ng gobyerno ang pagre-require sa publiko na magsuot ng face shields bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Sa liham na pinadala ni Velasco nitong Lunes, Setyembre 21, binanggit nito ang economic at medical concerns na sumusuporta sa kaniyang apela. Para kay Velasco, dagdag na pasanin pa sa mga Pilipino ang pagbili ng face shields patong sa mahirap nang epekto ng pandemya.

Duda rin si Velasco kung epektibo nga ba ang pagsusuot ng face shields para maiwasan ang lalong pagkalat ng inpeksyon sa bansa kung saan ilang pananaliksik ang binanggit ni Velasco para patunayan ang kanyang hinaing.

Nauna nang binawi ng Pangulo ang mandato sa pagsusuot ng face shields ngunit agad na man itong binalik matapos payuhan ng ilang top health officials.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Iniugnay naman si Sotto ang mandatory face shield sa eskandalo ng umano’y “overpriced” na face masks at face shields na binili ng pamahalaan.

“May I humbly and respectfully recommend that the COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) and the Department of Health both under the Executive Department reconsider the mandatory use of plastic face shields for the general public (under IATF Resolution No. 88 and Joint Memorandum Circular 2021-0001 on the Clarificatory Guidelines on the Mandatory Use of Face Shields Outside of Residence for COVID-19 Mitigation, respectively) when going out of their homes or indoors, including in malls, commercial establishments, and public transportation,” apela ni Velasco sa Pangulo.

“The use of face shields has made little difference in protecting against the transmission of COVID-19 over the proper use of masks alone, and imposes an additional burden to poor Filipino families already reeling from the adverse effect of the pandemic on their livelihood,”sabi nito.

Pagpupunto ni Velasco, inirerekomenda lang ng World Health Organization (WHO) at ng United States Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagsusuot ng eye protection, kagaya ng face shields at goggles kungmay direktang contact sa mga pasyenteng may COVID-19.

Inendorso rin ng House speaker ng pag-aaral ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at ng iba pang epidemiology experts para suportahan ang kanyang apela.

Ben Rosario