Nanawagan ang isang grupo ng mga guro sa publiko, lalo na sa mga kabataan, na buksan ang mga mata sa umano'y “tiraniya” ni Pangulong Duterte sa ika-49 anibersayo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Pilipinas.

Sa isang pahayag nitong Martes, Setyembre 21, inakusahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang “tiraniya” ni Duterte, na tinawag din nilang “dictator-wannabe,” na umaatake sektor ng edukasyon sa ilang paraan.

Ayon sa ACT, naglunsad ng “vicious all-out war laban sa mga tao” mula sa tangkang pagsupil sa academic freedom, panre-redtag sa mga kaguruan, ilang union sa sektor at sa mga institusyong pang-akademiko hanggang sa pagpapasara sa mga Lumad schools.

“Even his pandemic response was characterized by fascism through the imposition of militaristic lockdowns sans medical and socio-economic responses to the crises,” sabi ng ACT.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“All of which to ensure the unhampered looting of the people’s coffers by government officials and their cronies,” the group said. “As such, little was left for the provision of social and economic services and resulted in the rapid decline in the people’s quality of living,” dagdag ng alyansa.

Matuto sa kasaysayan

Sa pamamagitan ng pagtuturo, nanindigang lalaban para “muling maisulat ang kasaysayan” ang mga kaguruan ng ACT.

“As educators, we have the power and obligation to ensure that present and future generations know of the atrocities committed by the Marcos family and their cronies against the Filipino people as proven in various courts and in the lives lost and ruined in their 14-year reign,” saad ng ACT

“We, together with the youth and the rest of the people, take inspiration from the successful struggle to overthrow the dictator in 1989 as another one rises in our midst.”

Merlina Hernando-Malipo