Inilahad ni Senador Manny Pacquiao ang kaniyang time management sa talk show vlog ni Toni Gonzaga na 'Toni Talks' na inilabas nitong Setyembre 19, 2021, kasabay ng anunsyo ng senador-boksingero-negosyante na desidido na siyang tumakbo bilang presidente, sa ilalim ng PDP-Laban.

Katatapos lamang ni Pacquiao ang kaniyang 10-day quarantine simula nang dumating sila mula sa Amerika, matapos ang recent fight ng boksingero kay Yordenis Ugas. Tanong ni Toni, marami siyang papel na ginagampanan at ito ay di-biro, gaya ng pagiging senador. Paano niya napapamahalaan nang maayos ang kaniyang oras?

"Kapag po umaalis kayo ng Pilipinas and you are preparing for a fight, paano po ninyo kinokondisyon ang sarili ninyo, kasi you wear many hats, you are a senator, you are a philanthropist…" tanong ni Toni.

"Hindi ganoon kadaling gawin, pero just time management, discipline lang talaga. Syempre, may trabaho ka sa senate tapos nag-eensayo, nagpopokus ka sa fight mo, tapos may pamilya ka pa," tugon ni PacMan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Pag sa araw, talagang wala akong ibang iisipin kundi yung training ko, yung boxing ko, kapag natapos ang training, 'yun mag-relax-relax ako, tatawag ako sa pamilya ko, tatawag ako sa mga bata saka kay Jinkee, and then after that, pag-usapan ang work sa senate, ganoon…" ani PacMan.

Sumunod na tanong ni Toni, bagama't karamihan sa mga laban ni PacMan ay naiuuwi niya ang pagkapanalo, paano naman niya tinatanggap ang kaniyang pagkatalo? Binanggit pa ng host ang quote na 'A true test of a man's character is seen not on how he handles his victories, but by how he handles his defeats.'

"Syempre lahat po kami tumutok sa naging laban ninyo, and if there's one thing na lagi naming nakikita sa inyo, is that there's always humility in victory and in defeat," dagdag pa ni Toni.

"When you have Jesus in your life, I mean, in your heart, talagang kusa lang siya lalabas, (na natural). God always reminds you na 'Oh you must be humble all the time', tugon ng mahusay na boksingero.

Aminado siyang umiiyak siya noon kapag natatalo sa kaniyang laban. Iniyakan umano niya ang unang laban niya kay Erik Morales kung saan, bukod sa natalo siya ay napinsala nang husto ang kaniyang katawan, na ikinaospital niya.

Minsan daw, nararamdaman niya kung mananalo o matatalo siya sa isang laban.

"Sometimes, may times na… pakiramdam mo na… iba ang pakiramdam mo, something like that," ani Pacquiao. At isinalaysay niya ang kaniyang naging panaginip, isang araw bago ang laban niya kay Morales. Dumating pa sa punto na tinawagan niya ang pastor nila upang ikuwento rito ang kaniyang napanaginipan. Hanggang sa pagtungo sa Las Vegas ay alalahanin niya kung ano ba ang ibig sabihin ng kaniyang panaginip.

Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa isang pulang kabayo at sa sakay nito na nahulog mula sa itaas.

At sa laban nila ni Morales, nang siya ay mapahandusay nito sa ring, napagtanto ni Manny na ang pulang kabayo sa panaginip niya ay walang iba kundi siya. Nagpapasalamat si Manny sa Diyos dahil binigyan na siya ng paunang babala na matatalo siya sa naturang laban.

Hindi umano nakaramdam ng galit ang boksingero kapag natatalo siya sa laban.

"Doon nga masusubok ang pagiging Christian mo eh, sa lahat ng temptations and trials mo," tugon ni PacMan.

Panoorin ang kabuuan ng panayam sa YouTube channel na Toni Talks:

&t=411s