Pinagpapaliwanagng grupo ng mga guro angDepartment of Education (DepEd) kaugnay ng pahayag nito na pamamahagi nila ng daan-daang libong laptop sa mga pampublikong guro sa gitna ng pagpasok ng panibagong taon ng pag-aaral para sa distance learning set-up.
Sa isinagawang pagdinig kaugnay ng badyet ng DepEd nitong nakaraang linggo, inanunsyo ni DepEdUndersecretary Alain Pascua na naipamahagi na nila sa mga guro ang kabuuang353,359 laptops na binili alinsunod sa budget allocations noong 2019 at sa "Bayanihan 2."
Gayunman, tinutulan ito ngAlliance of Concerned Teachers (ACT) at sinabing hindi tugma ang pahayag ng DepEd sa isinagawa nilang survey kung saan lumabas na 7 porsyento lamang ng mga guro na nakatalaga sa Metro Manila at 14 porsyento mula sa iba pang rehiyon ang gumagamit ng laptop para sa school year 2021-2022
Paliwanag naman ni ACT Secretary General Raymond Basilio, kung ibabatay ang usapin sa pahayag ng DepEd, aabot ng 34 porsyento ng public school teacher ang gumagamit na dapat ngayon ng laptop na ipinamahagi ng ahensya. Gayunman, binanggit ni Basilio na "malayo ito sa katotohanan" dahil mismong mga guro ang nakararanas nito.
“So we ask DepEd, in the spirit of transparency, where are these laptops and are they serving the purpose of aiding teachers in distance learning? We’re afraid that without such honest accounting, we won’t be able to truly determine how much more laptops should be budgeted,” paglalahad ni Basilio.
Kinuwestiyon din ng grupo ang pagbili ng DepEd ng211,000 laptops noong 2019 dahil hindi naman umano ito nakapaloob sa badyet ng DedEdpaa sa 2019.
Posible aniya na ang tinutukoy ni Pascua ay ang kabuuang bilang ng laptop na nabili ng ahensya sa nakalipas na mga taon na hindi na nagagamit o kaya ay hindi angkop ang specifications nito upang magamit sana sa distance learning.
Mula aniya 2020 hanggang sa kasalukuyan, aabot lamang sa 142,359 unit ang naipamahagi at nangangahulugan na kulang aabot pa sa 693,585 na guro ang walang magamit na laptop na mula sa DepEd.
Merlina Malipot