KABUL, Afghanistan -- Nitong Linggo ang pangalawang araw ng muling pagbubukas ng sekondarya at high school sa Afghanistan.

Sa Central Asian country, muling binuksan noong Sabado ang secondary schools, high schools, at madrasas o religious schools, mahigit isang buwan matapos magtakeover ang Taliban sa bansa ayon sa Ministry of Education.

“Boy students and male teachers of all private and government-run secondary, high schools, and madrasas or religious schools are asked to return to schools in all 34 provinces of Afghanistan on Saturday,” ayon sa pahayag ng ministry.

Hindi binanggit ng ministry kung kailan magbubukas ang mga paaralan para sa mga babae.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ngunit ayon kay Taliban spokesman Zabihullah Mujahid, magbubukas ang mga paaralan  para sa mga babae at inaayos na umano ng gobyerno kung paano paghihiwalayin ang mga classroom at teachers na para sa babae.

Xinhua