Davao City -- Hinihimok pa rin ng kanyang mga supporters si Mayor Sara Duterte na i-reconsider ang desisyon nitong hindi pagtakbo bilang presidente sa 2022 elections.

sa isang Facebook page ng Hugpong Para kay Sara at Ituloy ang Pagbabago Movement, at mga supporters ni Duterte, anila determinado silang suportahan at italaga si Mayor Sara bilang presidente sa 2022.

Sinabi ni Jim Mindoro na nirerespeto nila ang usapan umano nina Mayor Sara at ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte na isa lamang ang puwedeng tumakbo sa kanila sa national position sa susunod na eleksyon, ngunit nais ng mga supporters ni Mayor Sara na siya ang sunod na maging presidente. 

“Your supporters here in Australia and New Zealand believe that you, Mayor Sara, should be the next President of the Philippines,” ani Mindoro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa kay Mindoro, si Mayor Sara ay isang "outstanding" at "very smart" na lider. Dagdag pa niya, ang pagmamahal at pag-aalaga niya sa sambayanang Pilipino ay ginagawa siyang pinuno na kailangan ng Pilipinas.

“Please think about these millions of Filipino people. What will happen to them in the hands of corrupt and greedy politicians? What will happen to the country? Who is going to continue sa mga nagawa ng aming mahal na pangulo Tatay Digong?” ani Mindoro.

Mahigit 10,000 supporters mula sa Pilipinas, Middle East, Canada, United States ng Hugpong Para kay Sara ang nanumpang susuportahan siya kung sakaling magdesisyon itong tumakbo bilang presidente sa 2022.

Matatandaang sinabi ni Mayor Sara na hindi siya tatakbo sa national office matapos tanggapin ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban bilang bise presidente sa 2022 elections, kasama si Senador Christopher "Bong" Go bilang presidential candidate.

Ivy Tejano