Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Lunes na nakipag-usap nga siya kina Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao kamakailan.

Gayunman, tumanggi si Moreno na idetalye ang kanilang napagpulungan dahil wala aniya siya sa posisyon upang isapubliko ito.

“We’re trying to reach out to each and everyone. Ako naman meron ako tengang lagi na pwede makinig e. Wala naman masamangmakinig.I confirm there was a meeting and hopefully there will be more meetings na pwede namin pagusapan ang mga bagay-bagay,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nanumpa naman bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko si Liberal Party stalwart at Caloocan second district Rep. Edgardo Erice at anim na Caloocan Councilors.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Moreno, na siyang pangulo ng Partido, at kay Vice Mayor Honey Lacuna, welcome na welcome sa kanila ang pagsapi sa kanila ni Erice.

Nagpahayag rin ng paniniwala ang mga ito na magiging asset ng partido si Erice dahil sa kanyangtrack record sa public service. Si Erice ang pinuno ngayon ng Aksyon Demokratiko Caloocan Chapter.

Sa bahagi ni Erice, kinumpirma nito na pormal at maayos niyang ipinaalam ang kanyang desisyon sa LP kung saan siya ay nagsilbing figure heads sa loob ng 18 taon.

Sinabi rin ni Erice na ang panahon ngayon hindi pangkaraniwan,kung saan binanggit niya ang liderato at aksyong ipinamalas ni Moreno sa panahon ng pandemya, kaya naman naniniwala siya na tanging si Moreno lang ang makapag-aahon sa bansa sa kasalukuyang sitwasyon.

Pinuri rin niya si Moreno sa ginawa nitong pagtugon sa mga suliraning dala ng pandemya tulad na lamang ng pangangalaga sa mga pangangailangan ng mamamayan ng Maynila sa pamamagitan ngfood security at maging ang mga pangangailangan ng mga estudyante ng Lungsod kung saan binigyan ang mga ito ng pamahalaang lungsod ng gadgets at internet load.

Dagdag pa niya, “Nakita ka namin mayor Isko at sa palagay namin, ikaw na!”

Sinabi rin naman ni Erice na kinikilala niya na wala pang pinal na plano si Moreno para sa 2022 polls.

Pinasalamatan naman ni Moreno si Erice at ang mga kasamahan nito at sinabing ikinararangal niya ang tiwalang ibinigay ng mga ito sa kanya at pati na ang partido.

Mary Ann Santiago