Kamakailan lamang, inulang ng kritisismo ang panayam ni Toni Gonzaga kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kahit nakatanggap ng ng negatibong komento ang interview ni Toni kay Marcos sa social media, nanatiling mataas pa rin ang YouTube user analytics ni Toni.

Kung ikukumpara sa mga naunang interview ni Toni sa ilang politiko, nakakuha lamang si Toni ng bagong 30,000 subcribers noong panayam kay Manila Mayor Isko Moreno, 20,000 noong kay Vice-President Leni Robredo, 10,000 noong Senadora Grace Poe.

Setyembre 12, nang ilabas ni Toni ang interview sa kanyang opisyal na YouTube channel. Noong Setyembre 13 at 14, nakakakuha siya ng mga bagong subscribers na aabot sa tig 10k, Setyembre 15 naman dumagdag ang 40k. Humakot naman siya ng 60k na bagong subcribers noong Setyembre 16, at 30k noong Setyembre 17.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kabuuan, matapos ang interview ni Toni kay Marcos, sa loob ng Setyembre 13 hanggang 17, nadagdagan ito ng 150k na mga bagong subscribers.

Ngayon, mayroon nang 4.5 million views ang interview ni Toni kay Marcos.

Samantala, dinipensahan ni Marcos si Toni mula sa mga negatibong komento ng publiko.

Basahin: Depensa ni BBM sa bagong interbyu: ‘Wala namang kasalanan si Toni’

“Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni," ani Marcos sa programang “Tutok Erwin Tulfo” noong Setyembre 17.

“Bakit niyo naman inaano [inaatake] si Toni Gonzaga. She’s a vlogger, she’s not a journalist. Although I have to say, she does a better job than some of the journalists,” dagdag pa nito.