Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa mga lugar kung saan napakaliit ng panganib ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang pahayag ng Malacañang nitong Lunes, Setyembre 20. 

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tutukuyin pa ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang mga lugar na pagdadausan ng klase. 

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Nilinaw ni Roque, hindi araw-araw ang pasok sa paaralan at sa halip ay gagawin ito isang beses kada dalawang linggo at kalahating araw lamang.

"Kailangan may suporta ng local government units sa pamamagitan ng resolution o letter of support at kinakailangan po merong written support and consent ng mga magulang," katwiran ni Roque.

Paliwanag naman ni DepEd SecretaryLeonor Briones, dakong 11:00 ng umaga.

"This is wonderful, this is a great day tungkol sa edukasyon dito sa ating bansa," aniya.

"Kailangan papasa sa Department of Education kung saan tayo magho-hold ng face-to-face classes," paliwanag nito.

Tumaas din aniya ang nag-enroll para sa School Year 2021-2022 sa naitalang 28 milyon kumpara nitong nakaraang taon na 26.2 milyon lamang.

"Ito ay nagpapakita na nakikinig sila sa paliwanag ng ating department at tinatanggap nila ang strategy at approach namin, 'yung blended learning," idinagdag pa ni Briones.