Mahigit 300 pa ang naidagdag sa kaso ng Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa pahayag ng Department of Health (DOH), ang nasabing bilang ay naitala nitong Sabado, Setyembre 18 kaya umabot na sa 3,027 ang kabuuang kaso nito sa bansa.

Sa naturang bilang, 40 ang naitala sa Region 2 habang nakapagtala naman ng 31 na kaso sa Caraga.

Dalawampu't anim naman ang naitala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) habang tig-24 naman na kaso ang naitala sa Region 1 at Metro Manila.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Labing-walo sa kaso ang nadiskubre sa returning overseas Filipinos (ROFs)

“This variant is now the most common lineage among sequenced samples as of the latest whole genome sequencing run,” paliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.