Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Lunes, Setyembre 20, ang nakatakdang pagbubukas ng “face-to-face classes” sa susunod na dalawang buwan sa mga minimal risk areas na tutukuyin ng Department of Health (DOH).

Bagaman kinilala ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang resolusyon ng pamahalaan sa pagbubukas ng eskwelahan, giit pa rin ng grupo ang sapat na ayuda at epektibong solusyon sa kinahaharap na krisis.

“As students around the country continue to air out their grievances on the remote learning setup, the College Editors Guild of the Philippines welcomes this decision yet remains firm in the call to heed the students' demand for sufficient aid and health-based solutions,” saad ng CEGP sa isang pahayag.

“The Guild, along with its members, recognize that we are still far behind among other counties in handling this pandemic and we reiterate our call for the safe resumption of physical classes and sufficient aid,” pagpupunto ng alyansa ng mga patnugot.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Una nang naiulat ang Pilipinas at Venezuela bilang dalawang natitirang bansa na lang sa mundo na bigong makapagbukas ng pisikal na klase mula nang kinaharap ang krisis sa pandemya.