Niyanig 4.7-magnitude na lindol ang ilan sa bahagi ng Antique province nitong Lunes ng umaga, Setyembre 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang epicenter ng lindol sa layong 15 kilometro hilagang kanluran ng Valderrama, Antique mga dakong 4:49 ng umaga.

Ang lindol ay "moderately strong" sa Intensity IV sa munisipalidad na Valderrama.

"Weak" sa Intensity III naman sa Bugasong, Antique, habang naramdaman ang mahinang paggalaw sa Intensity II sa San Jose de Buenavista and Belison, Antique.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mga dakong 4:55 ng umaga, nakapagtala pa ng Phivolcs ng 3.9-magnitude na lindol na nagmula sa anim na kilometro hilagang kanluran ng Valderrama, Antique.

Naramdaman ang Intensity III sa Valderrama, Antique, habang Intensity II naman sa Bugasong, Antique.

Dagdag pa ng Phivolcs, walang inaasahan na pinsala o aftershocks sa nasabing mga lindol.

Ellalyn De Vera-Ruiz