Dalawang illegal loggers ang arestado matapos ikasa ng mga awtoridad ang isang operasyon nitong Linggo, Setyembre 19, sa Ipo Dam Road sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan police director Col. Lawrence B. Cajipe ang mga suspek na sina Renator Patulot at Jennifer Sarandona, parehong may legal na edad at residente ng San Mateo village, Norzagaray, Bulacan.

Nagsanib-puwersa sa anti-illegal logging buy-bust operation ang Norzagaray police Anti-Illegal Task Force Luzon (AILTF Luzon), 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company, at ang 24th SAC Special Action Force dahilan para madakip ang dalawang suspek sa Ipo Dam Gate ika-11:50 p.m., nitong Linggo.

Matapos iabot ng nagpanggap na buyer ang buy-bust money kapalit ang mga iligal na torso sa mga suspek, agad na nagpakilala ang mga operatiba bilang mga miyembro ng pulisya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Narekober sa mga suspek ang pinagsamang mga troso ng Teak at Kamagong, at ang buy-bust money.

Dinala sa kustodiya ng Norzagaray police ang mga dalawang suspek para isailalim sa dokumentasyon habang inihahanda ang paghahain ng pormal na kaso sa korte.

Freddie Velez