Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 21.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, magtataas ito ng₱0.85 sa presyo ng kada litro ng kerosene at₱0.80 naman sa presyo ng gasolina at diesel.

Kaparehong taas-presyo rin ang ipatutupad ng Caltex, Seaoil, Petro Gazz at Total Philippines sa kanilang produktong petrolyo.

Magtataas naman ang Cleanfuel ng₱0.70 sa presyo ng diesel at₱0.65 naman sa presyo ng gasolina nito.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Idinahilan ng mga oil company ang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong oil price hike.

Bella Gamotea