Iniatras na ni Pateros Mayor Miguel Ponce III ang plano nitong na talian ng yellow ribbon ang mga bahay ng nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ulanin ng batikos dahil sa diskriminasyon nito.

Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, nilinaw ng alkalde na boluntaryo na lamang ang pagta-tag sa mga bahay ng nahawaan ng virus.

“Ang paglalagay po ng yellow ribbon sa bahay ng may COVID-19 positive patient at close contact ay ginagawa para sa mabisang monitoring at epektibong pagdadala ng tulong galing sa Pamahalaaang Bayan at Barangay bilang bahagi ng epektibong pagpapatupad ng granular lockdown. Ito po ay voluntary kung nais nating makiisa upang agarang mapigil ang hawahan ng COVID-19 virus at hindi kailanman ipipilit sa inyo ng labag sa inyong kalooban," paliwanag ni Ponce.

Nitong Setyembre 15, inanunsyo ni Ponce na maglalagay na sila ng tag o yellow ribbon sa mga bahay ng COVID-19 positive upang madali umanong matukoy ang mga ito. “To ensure that it will be secured and for easy identification, we will put a tag. This is no longer embarrassing. We are no longer embarrassed to say, be known by our neighbors that we tested positive,” katwiran ng alkalde.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Binanggit din nito ang isasailalim sa granular lockdown ang mga bahay ng nagpositibo sa virus, gayundin ang mga close contact ng mga ito at ito ay nangangahulugan na 14 araw na hindi sila lalabas ng bahay.

Gayunman, iniurong ni Ponce ang plano nito matapos makatanggap ng batikos ng mga netizens.

“Voluntary or not, nobody deserves to be discriminated ortreated this way! Nobody wants to get infected in the first place and if they get infected they don’t absolutely want to infect others,” puna ng isang netizen.

“Yellow ribbon eh 'di ba po nga dapat protektahan pa rin identity ng mga nag-positive to avoid discrimination?” pagtatanong naman ng isa ring netizen.

Sa huling ulat ng Pateros government, umabot na sa 6,546 ang confirmed cases ng COVID-19, 5,772 ang nakarekober at 79 ang nasawi.

Jonathan Hicap