Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip ni Vice President Leni Robredo ang kanilang simpleng condominium unit, kung saan sila nanunuluyan ng kaniyang mga anak na babae, sa YouTube channel ng batikang news anchor at journalist na si Karen Davila, na umere nitong Setyembre 18, 2021.

Inilarawan ito bilang 'simpleng buhay, simpleng nanay', hindi makapaniwala si Karen na naninirahan sa isang simple at maliit na condo unit si VP Leni. Ani Karen, sa buong panahong bise presidente si VP Leni, ni minsan ay hindi nito ipinakita ang kanilang tahanan.

"First ka yatang visitor dito, wala kang ito-tour kasi ang liit," sabi ni VP Leni.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Vp Leni Robredo at Karen Davila (Screenshot mula sa YT/Karen Davila)

Vp Leni Robredo at Karen Davila (Screenshot mula sa YT/Karen Davila)

Nang tanungin kung bakit piniling manirahan sa mas maliit na condo, sinabi niyang ito na kasi ang kanilang nakasanayan noon pa mang nasa Naga City sila. Ang condo na kanilang tinutuluyan ay sa mga in-laws niya. Maliit din umano ang kanilang tahanan doon, kaya sanay naman umano sila.

"Ako tingin ko, hindi naman kailangan (nang malaking bahay), hindi ko na hinangad magkaroon ng malaki, of course naghangad kami magkaroon ng sarili, kasi ito sa in-laws ko ito, pero never na naghangad ako ng malaking bahay kasi never naman kaming nasanay. Even in Naga, maliit yung bahay namin, although mas malaki dito," paliwanag ni VP Leni.

Ito rin umano ang isa sa mga naiturong prinsipyo sa kanila ng yumaong mister na si Jesse Robredo. Pag-uwi umano niya ng bahay, bumabalik na umano siya sa pagiging nanay, para sa kaniyang mga anak.

"Nakita ko kasi kay Jess dati eh, yung semblance ng normalcy, napakahalaga sa public servant. Na dapat hindi ka masyadong naa-attach sa power, na hindi ka masyadong naa-attach sa posisyon, kaya ako, pagpasok ko sa pinto ng bahay, nanay na ulit ako."

From the start, VP Leni knew Jesse was 'the one' – Manila Bulletin
VP Leni at Jesse Robredo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Noong una raw ay hindi sana papayag si VP Leni sa request ni Karen na ma-house tour siya dahil hindi talaga sila sanay na mag-entertain ng mga bisita dahil maliit nga lamang ang kanilang bahay. Ang tanging mga outsiders na nakakapanhik sa loob ay ilang mga piling staff niya, kapag may papipirmahan.

"Kaya hindi kami bili nang bili ng mga gamit, kasi wala kaming lalagyan. Hindi namin afford mag-hoard," ani VP Leni.

Ipinakita ni VP Leni ang ilan sa mga highlights ng kaniyang condo unit gaya ng kanilang dining area, bagong ayos na living room noong panahon ng quarantine, painting ng artist na si Migs Villanueva na ang subject ay kanilang pamilya, ang kanilang piyano na tinutugtog ng kaniyang mga anak, gym ng kaniyang mga anak, banyo, kusina, storage rooms, terrace kung nasaan ang mga tanim niya, Talagang na-maximize ang bawat espasyo.

Kahit daw sa groceries ay matipid sila. Isang beses lamang daw silang namimili ng mga kailangan nila sa bahay. Personal na naggogrocery si VP Leni kasama ang anak na si Aika, ang panganay na anak sa magkakapatid.

Pagbubuking naman ni Aika, sadyang matipid talaga sila kahit noong sila ay namumuhay pa sa Naga. Sanay umano silang nasa iisang kuwarto lamang kapag natutulog, para makatipid umano sa air-con. Sa sahig din sila tabi-tabing matulog.

Panoorin ang vlog ni Karen Davila: