Sa segment na “Reina ng Tahanan” sa “It’s Showtime” noong Biyernes, Setyembre 17, on-air na tinalakay ng hosts na sina Karylle Yuzon at Vice Ganda ang mga kurakot na opisyales sa gobyerno.

“Ano kaya nararamdaman ng mga anak ng corrupt officials?” isang tanong na binuksan ni Vice Ganda.

“Ako rin madalas ko rin maisip yon. Paano kaya sila nabubuhay?” segunda naman ng co-host na si Karylle.

“Paano kaya yon dinedeny sa sarili nila?” sunod na tanong ng komedyante.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Para kay Karylle, ang pagiging corrupt na opisyal ay pagkakaroon ng sariling katotohanan sa sarili.

“Parang meron ka nang fi-norm na katotohanan,” ani Karylle.

“Paano mo irerevise yon?” sunod na katanungan ni Vice Ganda.

“Paano kapag naging nanay ka na, tapos yong tatay mo corrupt. Paano ‘pag tinanong ng anak mo na, 'Corrupt ba yong lolo ko?'” hypothetical na paglalahad ng komedyante.

“Paano mo sasabihin sa anak mo na, ‘Oo corrupt yung lolo mo.’”

“Kaya mo?” pagbabalik ni Karylle kay Vice Ganda.

“Hindi ko alam, hindi ako jojowa ng corrupt,” tugon ni Vice.

“Umpisa pa lang, kung alam mo na lalayo ka na sa mundong yon,” sambit ni Karylle.

PANOURIN: Vice Ganda, Karylle, nagpalitan ng opinyon sa It's Showtime ukol sa mga corrupt officials

Maliban sa Youtube official upload ng programa, isang Facebook page ang nag-upload ng partkular na diskurso ng dalawang hosts on-air.

“It’s either they become delusional, they recreate their own stories and tell the world they were this and that, or their moral compass is broken. Not really surprising,” komento ng isang follower ng Facebook page.

Sa pag-uulat, nasa 63,000 views na ang naturang Facebook post at may halos isang libong shares.