London, United Kingdom -- Nakita ng British officials ang single case ng bovine spongiform encephalopathy (BSE), o mas kilala bilang mad cow disease.

Ayon sa Animal and Plant Health Agency (APHA) nitong linggo, may isang patay na hayop ang tinanggal sa farm ng Somerset, southwest England, dagdag pa nito wala itong panganib sa pagkain.

“The UK’s overall risk status for BSE remains at ‘controlled’ and there is no risk to food safety or public health,” ani Chief Veterinary Officer Christine Middlemiss.

Maglulunsad ang APHA ng isang masusing pagsisiyasat sa kawan, mga nasasakupang lugar, mga potensyal na mapagkukunan ng impeksyon at gagawa ng buong ulat tungkol sa insidente.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Limang kaso ng BSE ang kinunekta sa isang fatal human condition na Creutzfeldt-Jakob disease sa tao, na nakita noong 2014 sa Britain.

Agence-France-Presse