Gulong-gulo umano ang isipan ni Robin Padilla kung anong direksyon ang tatahakin niya ngayon sa punto ng buhay niya: gagawa pa rin ba siya ng mga pelikula at ipagpapatuloy ang showbiz career, o political career naman ang susubukin niya?

Hindi nagdalawang-isip si Binoe na magsagawa ng isang Facebook Live upang humingi ng tulong sa mga netizens. Kailangan na niya kasing magdesisyon kung anong mga hakbang ang gagawin niya, lalo na't malapit na ang filing of candidacy sa Oktubre. Nagdasal umano siya kay Allah upang gabayan siya.

Robin Padilla commends priest supportive of gov't's COVID-19 response – Manila  Bulletin
Robin Padilla (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tatlong posisyon ang pinag-iisipan at pinamimilian umano ng aktor: tatakbo ba siya bilang senador, gobernador ng Camarines Norte, o mayor sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Dating mayor dito ang kaniyang ama.

Kung sakali namang hindi siya kumandidato at manatili sa kaniyang showbiz career, may alok sa kaniyang gawin ang mga pelikulang 'Bad Boy 3' at 'Mistah 2'.

Pa-poll ni Binoe sa mga netizens, pelikula o pulitika?

“Kaya kayo na lang po ang tatanungin ko, mga mahal kong kababayan, kung ano sa palagay n'yo ang dapat kong gawin. Kayo na po ang magdesisyon kung sa pulitika tayo o pelikula,” aniya.