Sa kabila ng pagpapalitan ng tirada ng dalawang kampo, wala umanong galit si Vice President Leni Robredo laban kay Pangulong Duterte, aniya lahat umano ng binabato sa kanya ay magpapalakas sa lamang sa kanya.

Ginawa ni Robredo ang pahayag sa isang panayam kay veteran broadcaster Karen Davila sa YouTube channel nito.

Ayon kay Robredo, hindi siya galit kay Duterte sa kahit anong bagay.

“Wala. Kasi sa akin all the difficulties, yun ang nagbi-build ng character,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon pa sa bise presidente, nais niyang maalala siya na isang opisyal na hindi umano titigil sa kabila ng mga limitasyon.

"I take my role very very seriously," ani Robredo.

"Despite the limitations sa aming mandato and limitations sa resources, we did not allow those limitation to get in the way of the work that we do," dagdag pa niya.

Nakatakda nang matapos ang anim na taon termino ng bise presidente. Inihayag niya na bukas siya sa pagtakbo bilang presidente ngunit aniya hindi pa siya nakakapagdesisyon.

Kung tatanungin umano ang kanyang mga anakna sina Aika, Tricia, at Jillan, oras na para pagretirosi Robredo sa national politics.

"Ayaw nila. Ayaw talaga," ani Robredo kay Davila.

"Ang pakiramdam nila hindi ko deserve yung treatment sa akin in the last five years. So sila yung mga wish nila sa akin magpahinga na," dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sigurado umani so Robredo na may plano ang Diyos sa kanya.

“Parati sa akin klaro na yung Diyos naman meron na siyang plano para sa ating lahat,” aniya."Dapat nasa state of grace lang tayo lagi para bukas tayo 'di ba?," dagdag niya.

Argyll Cyrus Geducos