ISABELA – Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang pulis matapos maaresto habang tinatanggap ang ₱300,000 na hinihingi umano nito sa kapatid ng isang drug dealer kapalit ng "pag-ayos" ng kaso ng huli sa Cauayan, nitong Linggo, Setyembre 19.

Kinilala niLt. Col. Andree Michelle Camhol-Abella, hepe ng regional police information office, ang naaresto na siM/Sgt. Sherwin Pascual Gamit, 38, nakatalaga sa warrant section ng Cauayan Police Station.

Naiulat na dinampot si Abella sa harap ng Our Lady of the Pillar Catholic Church sa Rizal Avenue, dakong 10:52 ng umaga.

Sa paunang ulat ng mga awtoridad, humihingi umano si Abella ng₱300,000 kay Vanessa Marcos-Velasquez, kapatid ng drug dealer na si Darelle James Marcos upang "maayos" na ang kaso ng huli.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Nakumpiska kay Abella ang tatlong mobile phone, isang Cal. 22 at isang 9mm service firearm na may tatlong magazine.

Nahaharap na si Abella sa kasongrobbery-extortion at illegal possession of firearm.

PNA