Isang pulis ng Manila Police District (MDP) ang nahaharap sa kasong homicide matapos aksidenteng mabaril ang isang delivery rider habang binibida umano nito ang kanyang kakayahan sa paghawak ng service firearm sa Tondo.

Ang tinamaang rider ni Police Corporal Oliver Ferrer ay kanya ring best friend.

Ayon sa natanggap na ulat ng imbestigasyong ni Philippine National Police (PNP) na si Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, kasama ni Ferrer ang matalik na kaibigang si Jason Capistrano habang bumibisita sa isang opsiyal ng barangay nang ibinida ng pulis ang baril nito.

“I have already asked the Director, MPD about this case and the initial investigation revealed that the policeman and the victim are friends and it was a case of irresponsible gun ownership. The policeman was already disarmed, detained, and a case of homicide was already referred to the Prosecutor’s Office aside from the administrative charges that would be filed against him,” sabi ni Eleazar.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Naglabas ng pahayag si Eleazar kasunod ng pag-tag sa kanya ng mga kamag-anak ni Capistrano sa isang Facebook post, at hinihiling ang hustisya para sa nasawing kapamilya. Naisugod pa sa Chinese General Hospital si Capistrano ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng biktima si Eleazar at sinigurong iimbestigahan ang insidente.

“I understand the anger and I feel the pain of the family of Jason and for that I apologize for what happened and express my deepest sympathy for them. I assure you that we will hold this policeman responsible,” sabi ni Eleazar.

Nitong Sabado, Setyembre 18, matatandaang ipinag-utos ni Eleazar ang regular na gun safety and marksmanship training para sa lahat ng unipormadong pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa ground.

“I have already issued a directive for the regular conduct of gun safety and marksmanship training purposely to avoid cases like this. Maging aral sana ito sa mga nagmamay-ari ng baril, lalo na sa mga kapulisan, na hindi laruan at kailanman ay hindi dapat ipagmayabang ang pagkakaroon ng baril,” paliwanag ni Eleazar.

“Bilang mga pulis, ang pagmamay-ari at pagdadala ng baril ay kasama sa tiwala na ipinagkaloob ng ating mga kababayan na gamitin ito para proteksyunan at hindi para perwisyuhin sila,” dagdag nito.

Aaron Recuenco