PARIS -- Handa na ang Notre-Dame cathedral sa France na sumailalim sa restoration work matapos ang pagkasunog nito dalawang taon na ang nakararaan at inaasahan na magbubukas muli ito sa 2024, ayon sa mga awtoridad nitong Sabado.

Ang great mediaeval edifice na ito ay nakaligtas sa impyerno noong Abril 15, 2019, gayunman, gumuho ang tore o ang mataas at matulis na istraktura nito at ang karamihan sa bubong ay nawasak.

Pinagtutuunan na ngayon ng pansin kung paano magiging ligtas ang simbahan bago ang restoration work, kabilang dito ang pagtatanggal ng 40,000 na piraso ng scaffolding na nasira sa sunog.

“The cathedral stands solid on its pillars, its walls are solid, everything is holding together,” ayon kay Jean-Louis Georgelin, pinuno ng public entity na inatasang buuin ulit ang simbahan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“We are determined to win this battle of 2024, to reopen our cathedral in 2024. It will be France’s honour to do so and we will do so because we are all united on this goal," aniya pa.

Agence-France-Presse