Umapela sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna sa publiko na huwag nang magtangka pang magpa-booster shots sa mga vaccination sites sa lungsod.

Anila ang pagpapa-booster shots sa panahong ito ay hindi pa inirerekomenda dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.

Ito anila aynangangahulugan nang pagkakait ng pagkakataon na maturukan din ang iba para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

Sinabi pa ni Moreno na hindi pa pinapayagan angbooster shots sa bansa, katunayan aniya ay nasa proseso pa ang pamahalaan nang paghahanda para mabakunahan ang mga kabataang nasa edad12 hanggang 17-anyos.

National

Sen. Risa sa mga Pinoy sa Canada matapos ang trahedya: ‘Nandito kami para sa inyo’

Babala pa ng alkalde, tiyak na malalaman ng lokal na pamahalaan kung may mga indibidwal na magtatangkang magpaturok ng booster shots pagkatapos nilang ma-fully vaccinate.

Matatandaang ilang indibidwal na ang sinampahan ng kaso ng gobyerno matapos na magpa-booster shots na, kahit marami pang Pinoy ang hindi natuturukan ng bakuna laban sa virus.

Kasabay nito, nanawagan din ang alkalde sa mga motorista na magparehistro online para sa 1,400 drive-thru vaccination slots sa Quirino Grandstand na available mula Setyembre 20 hanggang 26, 2021.

Mary Ann Santiago