Mayroon nang 21 vaccination centers ang Philippine Red Cross (PRC) sa bansa matapos buksan ang bagong “Bakuna Center” sa Ilocos Norte upang mas maraming indibidwal pa ang mabakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa PRC, nagbukas ang ika-21 vaccination ng organisasyon sa Robinsons Ilocos Norte noong Setyembre 16 na magbabakuna sa mga residente ng San Nicholas at mga kalapit na lugar.
“Patuloy ang pagbukas ng ating mga Bakuna Centers upang mas marami sa ating mga kababayan ang mabakunahan,” sabi ni PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon sa isang pahayag nitong Linggo, Setyembre 19.
“Ang bakuna, kasama ang testing, ang ating sandata sa giyera natin sa. Let us win our war against COVID, do you part, get vaccinated,”dagdag ni Gordon.
Mula Setyembre 18, nakapagbakuna na ng kabuuang 233,142 katao ang Bakuna Centers ng PRC; sa bilang, 76,139 ang fully vaccinated na.
“Mabisa ang lahat ng bakuna at nakakaligtas ito ng buhay,” pagsasaad ni Gordon.
“Hinihikayat ko ang lahat ng Pilipino na magpabakuna na ngayon, ito ang ating solution sa COVID-19,” dagdag niya.
John Aldrin Casinas