Pinagtibay ng Sandiganbayan ang sintensya ng isang tesorero ng Camarines Sur kaugnay ng kinasasangkuang kasong malversation of funds noong 2001.
Gayunman, binanggit ng anti-graft court sa kanilang desisyon na binabaan nila ang sintensya ni Calabanga, Camarines Sur treasurerReynalda Mariscal sa pitong taon at apat na buwan na pagkakakulong mula sa dating 10 taon hanggang 17 taong pagkakabilanggo na naunang inihatol ng Regional Trial Court noong Setyembre 30, 2015.
Ipinaliwanag ng korte na prison mayor lamang ang katumbas na hatol sa kaso ni Mariscal na nangangahulugang makukulong ito ng mula anim na taon hanggang 12 taon kung ang halaga ng inirereklamo ay mahigit sa ₱40,000 ngunit hindi bababa sa ₱1,200,000.
Ibinasura rin ng hukuman ang naging kautusan ng RTC na pinagbabayad si Ramiscal ng danyos na₱100,000dahil habambuhay naman itong hindi makakapagtrabaho sa pamahalaan dahil sa nasabinng kaso.
Kaugnay nito, hindi naman pinaniwalaan ng hukuman ang dahilan ni Ramiscal na napunta sa mga cash advance ng mga empleyado ang₱401,344.86.
“In the first place, she (Mariscal) did not surrender any cash. The deposit slips for the official receipt she issuedwherethe same deposit slips which she presented during the audit examination on Nov. 7, 2001.The evidence shows that she failed to account for the entire amount she was accountable for and the Official Receipt she presented as proof of restitution was actually for the cash and the cash items she had on hand during the cash count audit examination on November 7, 2021,” ayon sa desisyon ng anti-graft court.
“Upon careful examination of the records on appeal, this Court finds no reason to disturb the trial court’s ruling of the conviction of the accused for Malversation of Public Funds,” pagdidiin pa ng korte.
Jel Santos