Nanawagan siSenate Minority Leader Franklin Drilon saCommission on Audit (COA) at sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang umano'y overprice na medical supplies na nabili ngDepartment of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS).

Ito ay kasunod na rin ng patuloy na imbestigasyon ngSenate Blue Ribbon Committee sa kuwestiyunableng pagbili ng pamahalaan ngmedical supplies, katulad ng face mask, faceshields at personal protective equipment (PPE) saPharmally Pharmaceutical Corporation na umabot ng₱8.68 bilyon.

Apela ni Drilon sa COA, magsagawa ng special audit habang sa Ombudsman ay motu proprio investigation.

“Dahilan sa maraming lumalabas sa investigation ng Blue Ribbon ay hinihingi ko po at siguro panahon na para magkaroon ng special audit para makita nila at ma-confirm ano 'yung lumalabas sa investigation ng Senado.Sila ay may kapangyarihan tingnan at suriin isa-isa ang mga dokumento,” paglilinaw ni Drilon.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Matatandaanglalong lumakas ang paniniwala ng mga senador na nagkaroon ng anomalya sa transaksyon ng gobyerno sa Pharmally nang matuklasang bumili ng mamahaling sasakyan ang mga opisyal nito matapos makuha ang nabanggit na kontrata sa pamahalaan.

“Siguro panahon na rin para ang Ombudsman ay magkaroon ng sariling investigation," mungkahi ni Drilon.

Isinusulong din ni Drilon ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay datingPS-DBM undersecretary Lloyd Lao dahil sa kawalan ng kakayang teknikal, legal at pinansyal katulad ng umiiral na batas.

Tiniyak din nito na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado kahit simulan na ng COA at Ombudsman ang pagsasagawa nito.