Isa isa mga pinanghihinayangan ng mga fans si Josh Santana na papasikat na sanang singer-actor noon, subalit bigla na lamang nawala sa showbiz limelight upang mas unahin ang pribado at personal na mga ganap sa buhay.

Subalit updated pa rin naman ang kaniyang mga tagahanga sa kaniya; salamat sa social media. Lagi itong nagpo-post ng mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay, para sa mga sumusubaybay sa kaniya.

Larawan mula sa IG/Josh Santana

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Larawan mula sa IG/Josh Santana

Sa kaniyang Instagram post nitong Setyembre 17, 2021, ibinahagi niya na nagpositbo siya sa COVID-19. 'Ironic' umano ang nangyari, kung kailan pa nag-upload siya ng isang religious song para sa mga taong may sakit nito, saka naman niya nalaman na tinamaan na rin siya nito.

"Very funny that this came out while I was uploading my last post which was a religious song, supposedly for those afflicted with the COVID-19 virus. So, here it is! I’m positive. Scary as it is, I think it was only a matter of time that I too would get the virus. I’m still very proud of the work I’ve done and I pray that I get through this. When I get better, I will go back to the frontline with zero hesitation, because at the frontline is where I belong," ani Josh na isa nang ganap na doktor.

Sa latest IG post naman niya nitong Setyembre 18, nagbigay siya ng updates hinggil sa kaniyang kalagayan.

"Bored, matamlay. Tapos masakit ulo. Pero di nakakalimot tumawa at mangulit sa mga kaibigan. Nabuhay ang mga chat groups dahil marami akong time ngayon. Tapos tumawag ang parents at ang kuya umiiyak. Eh sus! Kayang-kaya 'to! Fight! #positive," ani Josh bilang pampalakas-loob sa kaniyang mga mahal sa buhay at tagasuporta.

Larawan mula sa IG/Josh Santana

Larawan mula sa IG/Josh Santana

Sino nga ba si Josh Santana?

Sumikat siya noong 2003 nang makatambal niya ang dating singer-actress na si Carol Banawa sa teleseryeng 'Bituin' sa ABS-CBN. Ang tunay niyang pangalan ay Michael Alexander Alvarez Pamular (Doc Mike ang tawag sa kaniya ngayon), at nakuha niya ang screen name na Josh Santana sa naturang teleserye. Nakasama niya rito sina Desiree Del Valle, Cherie Gil, at ang Superstar na si Nora Aunor.

Matapos ang Bituin, nagpokus si Josh sa kaniyang singing career. Siya ang kumanta ng theme song ng teleseryeng 'Basta't Kasama Kita' na pinagtambalan nina Judy Ann Santos at Robin Padilla, na naging markado dahil sa live ending nito.Siya rin ang kumanta ng salin sa Filipino ng 'Qing Fei Di Yi' (Biyahe), na theme song ng phenomenal hit Taiwanese series na 'Meteor Garden.'

Matapos ang ilang mga album at recordings, iniwan din niya ang showbiz at nagpunta sa ibang bansa upang kumuha ng kursong Medisina.

"During my few years of experiences sa showbiz, nag-enjoy ako nang sobra, wala akong masasabi… pero kasi darating sa point ng buhay mo na parang tinatanong mo sa sarili mo, parang you want to do something different, something worthy," saad ni Josh sa panayam sa kaniya ng CNN Philippines noong Marso 2018, sa pagkakapasa niya sa medical board exam.

'Make or break' umano ang hakbang na ginawa niya. Aminado siyang may pagsisisi siyang naramdaman nang iwanan niya ang showbiz. Hindi umano 'walk in the park' ang pinasok niyang medical world, subalit pinanghawakan niya ito.

Noong Marso 2018 nga, ganap na siyang doktor matapos makapasa sa medical board exam. Ibinahagi niya ang tagumpay sa kaniyang Instagram post.

Larawan mula sa IG/Josh Santana

Get well soon, Doc Mike!