Naichika ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update' na tinanong niya umano ang tinaguriang 'Real Life Darna' na si Angel Locsin kung may balak ba itong kumandidatong senador sa paparating na eleksyon.

Sa dami umano ng mga natulungan ni Angel, masasabi umano ni Ogie na may mabuting puso ang aktres para sa mga taong nangangailangan, at ilang beses na ring napatunayan nito na may malasakit siya sa nakararaming tao, kagaya ng paglulunsad ng iba't ibang outreach activities.

Sagot umano ni Angel: "Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat. Hindi ako."

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Angel Locsin – Manila Bulletin
Angel Locsin (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Senate records 39 active COVID-19 cases – Manila Bulletin
Senate Hall (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Magiging aktibo umano si Angel sa pangangampanya sa darating na eleksyon, subalit hindi para sa kaniya, kundi sa kandidatong pinaniniwalaan niya.

"Tingnan natin kung magbabago pa ang isip… kaya nga si Angel ay mahal na mahal ng mga artista, kasi marami na talagang natutulungan si Angel, sa kabila ng mga bashers niya, na obviously ay hindi naniniwala sa kaniya, na obviously ay akala nila ganoon lamang si Angel, pero grabe ang ambag sa lipunan," ani Ogie.