Nangangamba ang isang kongresista na hindi na hihimayin at tuluyan nang ipasa ng Kongreso ang panukalang national budget para sa 2022.

Ito ang reaksyon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate matapos manawagan ang majority bloc kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing urgent panukalang pambansang budget.

Isinagawa aniya ang panawagan dahil sa naantalang pagsusumite ng 2022 National Expenditure Program sa mababang kapulungan.

Ipinaliwanag ni Zarate na dahil pinamamadali ang pagpasa ng 2022 proposed national budget ay posibleng hindi na ito hihimayin ng Kongreso. “This again hinders transparency and, in a sense, Malacañang is reducing the House of Representatives as its rubber stamp as it goes through the mere motion of scrutinizing the budget as not enough time is given to analyze and discuss the budget,” paglalahad ni Zarate.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Inaasahang maaprubahan ng House Committee on Appropriations sa Lunes, Setyembre 20, ang mungkahing badyet.

“It is high time that we take the power over the purse back.It is very important for the Office of the President’s proposed budget along with every aspect of the proposed budget to be open to interpellation and scrutiny because it is through this that Congress and the people may know if the funds they entrusted to the office had been disbursed based on their published intent,” pahabol pa ng kongresista.

Ben Rosario