Mahigit 11,000 law graduates na ang nakapag-apply para sa 2020-2021 online bar examinations na ang isasagawa ng Supreme Court (SC) sa apat ng Linggo ng Nobyembre ngayong taon.

Ang paglaki ng bilang nga mga examinees ay dahil sa postponement ng bar examinations noong 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong 2019, 7,685 ang kabuuang bilang ng mga law graduate ang nag-exam, 8,158 naman noong 2018 at 6,748 noong 2017.

Isasagawa ang online examination sa humigit kumulang 24 testing centers sa buong bansa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Maging ang aplikasyon at pagbabayad ng fees para sa Nobyembre ay isinagawa online ng SC.

Ang orihinal na deadline ay noong Setyembre 15, ngunit pinalawig ito ng SC hanggang Setyembre 24 para doon sa mga registrants na hindi pa nakukumpleto ang kanilang registration dahil sa technical issues.

“Those who have substantially complied with the deadline will be given until Sept. 24, 2021 to complete their registration,” ayon sa SC sa pamamagitan ng bar bulletin na inisyu ni Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, chairperson ng 2020-2021 bar examinations committee.

Kung may katanungan maaaring tumawag sa help desk hotlines.

"Applicants may reach out to the Office of the Bar Confidant Helpdesk hotlines at 09178138543 or 09088507682 or at its e-mail address, [email protected]," ayon sa SC.

Rey Panaligan