Umaabot na sa 18.2 milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, simula noong Marso 1 hanggang nitong Setyembre 18, 2021 lamang ay umaabot na sa 40.9 milyong doses ng COVID-19 ang kanilang nai-administer sa mga mamamayan.

Aniya, sa naturang bilang, 22.6 milyon ang itinurok bilang first dose habang 18.2 milyon naman ang nakakumpleto na ng bakuna.

Pagdating naman sa suplay ng bakuna, nakatanggap na aniya ang bansa ng mahigit 59 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang international manufacturers.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang aniya dito ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik V at Johnsons & Johnsons.

Ayon kay Cabotaje, inaasahan nilang bago matapos ang 2021 ay makakatanggap pa sila ng 195 milyong doses ng iba’t iba pang COVID-19 vaccines.

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong Pinoy laban sa COVID-19 bago matapos ang taong ito.

Mary Ann Santiago