Mahigit sa 10,000 doses ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasayang matapos matunaw sa imbakan nito, ayon sa Department of Health (DOH).

“To date, we have about 10,000 doses already registered as wastage,” pag-amin ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang radio interview, nitong Linggo, Setyembre 19.

Isa aniya sa sanhi ng insidente ang tinatawag na “temperature excursion.”

“Ibig sabihin, ang mga bakuna…'yung mga frozen vaccines ay na-thaw after a certain period.There’s another [incident] 'yung hindi na-plug nung bumalik ang kuryente. These are what we call temperature excursions,” anang opisyal.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“Sa ibang areas naman, may mga nabasag, walang label, may mga nahulog," dugtong nito.

Gayunman, nilinaw ni Cabotaje na maliit na bahagi lamang ito ng 30 milyong bakunang naiturok na gobyerno hanggang nitong Septyembre17.

“[That’s] 10,000 out of 40 million. Maliit but sayang pa rin.Kaya for every incidents, inaaral natin 'yung mga reasons tapos binibigyan natin ng advisory kung ano ang mga nararapat para ma-avoid 'yung mga wastage na iyan," pagbibigay-diin pa ng opisyal.

Analou de Vera