CAMP DANGWA, Benguet – Muling nakaiskor ang mga operatiba ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera ng pinakamalaking marijuana eradication nang sunugin nila ang mahigit₱116.3 milyong halaga nito sa Kalinga, kamakailan.
Sa pahayagni PRO-Cor Regional Director Brig. Gen. Ronald Oliver Lee, nadiskubre ng magkasanib na operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (DEA) ang sampung plantation sites sa Mt. Chumanchill, Barangay Loccong, Tinglaya,nitong Setyembre 15-17.
Sinunog aniya ng mga awtoridad ang₱88,490,000.00 halaga ng fully grown marijuana plants (FGMP) sa nasabing mga lugar.
Dalawang site rin aniya ang nadiskubre na nagsisilbing production area kung saan narekober ang 230 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng₱27,600,000.00 at 14 na botelya ng marijuana oil na nagkakahalaga naman ng₱308,000.00.
Sinabi pa nito na patuloy pa rin ang kanilang operasyon hanggang hindi nalalansagang taniman ng mga marijuana sa lalawigan.
Zaldy Comanda