Magpapatupad ang bansa ng temporary travel ban sa mga pasaherong nagmumula sa apat na bansa bilang bahagi ng programa ng gobyerno upang mabawasan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kabilang sa apat na bansa ang Grenada, Papua New Guinea, Serbia, at Slovenia, ayon kay Bureau of Immigration (BI) chief, Jaime Morente.

Maaapektuhan ng travel ban na magsisimula sa Setyembre 19, Linggo, ang mga biyahero na nanatili ng 14 araw sa apat na bansa bago pa dumating sa Pilipinas.

Ang paghihigpit ay alinsunod sa kautusan ngInter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Tatagalang travel restrictions hanggang Setyembre 30.

Gayunman, papayagan pa ring pumasok sa bansa ang mga biyahero mula sa 53 na bansa basta sumunod ang mga Ito sa quarantine protocols.

Kabilang sa mga ito angAmerican Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau.

Kasama rin sa maaapektuhan ng paghihigpit ang Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikstan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Vanuatu, at Yemen.

Jun Ramirez