Arestado nitong Biyernes, Setyembre 17, ang isang drug suspect na kabilang sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bukidnon  sa pamamagitan ng  “Isumbong mo kay Wilkins’’ Facebook page.

Ang nasabing page ay binuo ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na layong maghikayat sa publiko na magsumbong ng kalakalan ng iligal na droga sa mga lokalidad.

Timbog ang suspek na si Nemesio Abalde kung saan nakumpiska ng PDEA at ng Philippine National Police (PNP) ang P40,000 halaga ng shabu sa kinasang buy-bust operation sa Barangay North 9-B sa Maramag.

Kabilang si Abalde sa priority person of interest sa Bukidnon at kasalukuyang nahaharap sa paglabag ng Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang operasyon ay inilunsad sa pagsasanib-puwersa ng PDEA Region 10 Bukidnon Provincial Office at ng Maramag Police Station.

Sa naunang pahayag ni Villanueva, hinimok nito ang publiko na iulat sa “Isumbong Mo Kay Wilkins” ang mga kahina-hinalang indibidwal na nagsasabing PDEA agents at mga kilalang personalidad sa kalakalan ng ilegal na droga

Chito Chavez