Inilabas nitong Sabado ng gabi, Setyembre 18, ang music video ng solo track “Palayo” ng SB19 member na si Ken na kilala rin sa bagong screen name "Felip."
Ang Bisaya track na may listening duration 4:23 minuto ay tungkol sa punto de vista ng isang taong kaya nang maging malaya mula sa isang mapait na relasyon.
Sa song credit, parehong sinulat ng SB19 member at ni John Daniel Nase ang kanta na nilapatan ng parehong sensuwal at swabeng tunog.
Aprub naman ang fans sa debut solo track na ni Ken matapos ulanin ng positibong komento ang music video nito sa Youtube.
“Ken broke so many stereotypes with this masterpiece. Toxic masculinity, that Bisdak songs aren't mainstream material, that instead of a sad break-up song, it has an empowering message of getting out of a toxic relationship and that, yes, women can be toxic too. The sultry, sexy, and very appealing voice, dance moves, and the visual!! My gosh I can't be more proud! Congratulations, Felip! We love you our dear Kenken!” pahayag ng isang fan.
Pinuri rin ng fans ang paggamit ni Ken sa wikang Bisaya para sa kanyang kauna-unahang solo track nito.
“You see people are learning bisaya because of you. You are such a game-changer, Felip. As a bisdak myself, I couldn't feel anymore excited and proud,” komento ng isa pang fan.
“I've never heard of a song so decisive and straightforward about running away from a toxic relationship. It's always about bearing all the pain for the sake of love. Palayo is such a fresh sound. And as a bisaya, it hits different. The words are spoken with utmost rage and finality. Ps. To Felip, thank you so much for giving our language a spotlight. Ang galing mo!”
Nagpamalas din si Ken ng kanyang swabeng dance skills sa MV na sinabayan ng maangas na wardrobe at styling.
“Grabe Felip sobrang ganda lahat! Lyrics, sound, costumes, choreo, dancers, camera shots, effects, venue aaaah the best! Congratulations sa buong team! Iba kayo! Isa na to sa mga paborito ko. Taking Bisaya songs to the next level. Nakakaproud. More Bisaya songs pa please.”
Si Ken ay isa sa limang miyembro ng Ppop phenomenon SB19. Siya ang tinaguriang “main dancer” at “lead vocalist” ng banda.
Kasama si Stell, Justin, Josh, at Pablo, ang SB19 ay tumabo na sa ilang music charts at ilang pagkilala sa labas ng bansa.