Taas noong sinabi ni Vice President Leni Robredo na wala umano siyang "blind supporters" at parehas umano sila ng layunin na itaguyod kung ano ang makabubuti para sa bansa.
Ginawa ni Robredo ang pahayag matapos madagdagan ang mga grupong hinihimok siyang tumakbo bilang presidente sa Mayo 2022.
Sa isang panayam sa San Fernando Pampanga, hindi raw tine-take lightly ng bise presidente ang mga sumusuporta sa kanya.
"Hindi ko siya tine-take lightly eh, Iyong sa akin, iyong pakikipaglaban ko, para sa kanila, actually," ani Robredo.
"Very confident kasi ako na iyong klase nga ng supporters ko, hindi ito iyong klase ng supporters na kapag may mali akong gawin, magiging blind followers pa rin," dagdag pa niya.
Ayon pa sa opposition leader, siya at ang kanyang mga tagasuporta ay mayroon parehas na pagmamahal sa banda, kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti ang tungkol sa kanyang planong politikal sa 2022.
"Iyong klase naman ng supporters natin parating pagmamahal sa bansa iyong laging nangingibabaw," aniya.
"Mayroon pang three weeks na iyong pagdadasal natin na sana i-guide tayo sa kung ano iyong pinaka-makakabuti sa atin lahat," dagdag pa niya.
Nakatakdang magsimula ang filing ng certificate of candidacy sa Oktubre.
Argyll Cyrus Geducos